HomeCalendarGalleryFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 CHAT LOVE!

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
Admin
Admin


Posts : 3
Points : 4
Join date : 2010-08-15

PostSubject: CHAT LOVE!   Mon Sep 13, 2010 6:09 pm

♥ Chat ♥

Usong –uso ang chat.
Sa opisina,bahay,munisipyo,skul at kung saan-saan pa,may nakikipagchat.Bata,matanda,dalaga man o binata,may asawa o hiwalay pati balo nakikiuso pagdating sa chat.
Pero tanung ko lang anu ba meron at nahuhumaling ang karamihan?
Isa na ako.

Minsan kasi may nagturo skin sa isang site,sabi nya subukan ko daw masaya daw saka madami makilala dun.Ako naman sinubukan ko,aba masaya nga at sa ilang araw na pag-online ko marami na akong kaibigan gaya ng isang ito.

“Hello,asl mo?”yan ang karaniwang tanong.Di ko mabilang ilan silang nagtanung niyan sakin.
“25/f/Cavite”.sagot ko naman.Parang sasakit daliri ko sa paulit-ulit na pagtatayp.
“May friendster o kaya facebook saka ym pwede pa-add”.Banat ng isa,ako naman bigay agad.Hanggang sa dumami na sila sa contacts ko.
“Buzz”.
“May cam ka?”.yan ang karaniwan at gasgas na yatang tanung ng karamihan.

Dumaan ang araw at hindi na naalis sa buong maghapon na hindi ako nakikipagchat hanggang sa nakilala kita.Naligaw ka sa site na yun sabi mo nakita mo sa friendster mo kaya pumasok ka dun.Binigay mo e-mail add mo at ayun ini-add kita, pangkaraniwan na
sakin ang magdagdag.

Kinabukasan nagulat ako nung mag online ka.

“Hi!Gud pm.salamat sa pag –add ha.Pwde ka ba makachat ngayon?”tanung mo.
“Hello.Pwde hindi nmn ako masyadong busy”sagot ko naman.

Tinanong mo ako kung tagasaan ako, at kung anu-ano pa.Sa madaling salita nagpalitan tayo ng mga tanung tungkol sa mga buhay natin.Alam mo masaya kang kausap,teka parang iba to ah!Naisip ko lang lahat ng ka-chat ko masarap kausap pero iba ung pakiramdam ko sayo ha.Deadma na lang.Lumipas ang araw at lagi tayo nagkakachat.
Ilang oras din ang ginugugol ko sa pakikipag chat,minsan hindi na ako makakain kasi ka chat kita.
Tinanung kita.

“Nagtanghalian ka na ba ha”
“Hindi pa,ikaw ba?Hindi pa ako gutom,ka chat kita eh”Biro mo sakin..
“Hindi pa rin,maya na ako kakain”sabi ko na natatawa.Aba at ginawa mo pa ako dahilan ha.Bakit nga ba ganun hindi ako makaramdam ng gutom?Masaya ako na kachat kita,napapangiti mo ako kahit may problema ako.Nahahalata mo kung matamlay ako.Kapag nakikita kita sa webcam,nahahawa ako sa pag ngiti mo.Yan ang natutunan ko sayo ang ngumiti kahit naiinis na ako.Gusto ko ang ngiti mo.Teka anu ba ako.

Nagulat ako isang araw may message ka sa facebook ko.

“Hi musta ka?nakatulog ka ba ng maayos kagabi ha?alam mo naiisip kita,pwde ba usap tayo mamaya sa ym pag uwi ko?May itatanung ako sayo..”

Nag-isip ako bakit kaya?Parang gusto ko na hilahin ang oras para malaman ko kung anu un itatanung mo.Nakakainip pala kapag di kita kachat.Parang ang lungkot ko.

Sakto alas-dos.Ayan kulay dilaw na online ka na..Napawi agad ang inip ko at lungkot.

“Hello”Musta ka?
“Ok lang naman”sabi ko gusto ko isunod “ namiss kita”.Kinakabahan ako sa tanung na isusunod mo.
“May gusto ako sabihin sayo,”ang lakas ng tibok ng puso ko..Di ako sumagot.
“Alam mo namiss kita,hindi ko alam pero iniisip kita at gusto kong yakapin ka”Nagulat ako…
“Ha?”
“Yakap ng may pagmamahal” sabi mo..”Sori ha pero un ang totoo eh,syangapla pakinggan mo ung kantang “Fallin ni Janno Gibbs pra un sayo”Hindi ko alam ang isasagot ko, para akong nasa ulap haysssss...
“Ok”,sabay hinahanap ko un sa you tube at nakita ko nang marinig at maintindihan ko ang message nung kanta naintindihan ko na.”a little conversation has turn into sweet sensation”

Naku bigla ang tanung mo, “Nararamdaman mo ba ang nararamdaman ko?”
“Ah, oo”,sabi ko na naguguluhan..Sabi mo magkita na tayo para malaman natin kung san hahantong mga nararamdaman natin.Sabi ko sige sa off ko pero nag aalangan ako kasi takot ako masaktan.
Natapos ang araw na may ngiti sa labi ko at kaba sa dibdib ko oh baka naman excited ako.
Kinabukasan kinumusta mo ako kung maayos ang tulog ko sabi ko hindi masyado sabi mo din di ka nakatulog nga maayos kakaisip sakin anu ba un biro.Nakita ko na naman ang smile mo na yan,nakakakinis ka tama na nahuhulog na ako.

Isang umaga tumunog ang cellphone ko.

“Hello!Jessa paano punta dyan sa lugar nyo andito na ako sa Zapote anu sasakyan ko”

Nagulat ako kung sinu ang nagtext tinanung kita.

“Hu u?”
“Dingdong to,anu ba sasakyan ko?”Ayan nagulo na naman utak ko pati puso ko napatalon,sobra ka naman ginulat mo ako.Tingin ako sa salamin anu ba itsura ko,tambak pa trabaho ko sa lamesa ko.Hindi na ako mapakali anu ka ba kasi basta ka na lang susugod nang hindi ko alam sana kagabi sinabi mo na.Wala ako nagawa kundi sabihin kung paano,kasi naman effort ka pa eh.Palapit ang oras ayoko ko nang huminga ang kabog ng dibdib ko parang tambol na ganito pala pakiramdam.Iba ung kachat lang sa magkikita na ng personal.
Ang daya mo naisip ko wala ka man lang pasabi.
“Andito na ako sa taas ka ba aakyat na ako”
“Oo” sabi ko na nangangatal na kamay ko.

Tumingin ako sa bintana nakita na kita,gusto ko sumigaw.Ayan na grabe ang puso ko para akong hihimatayin ikaw kasi eh.
Relax ‘neng sabi ko sa sarili ko.Ayan ka na sa pinto,pinagbuksan kita (waaaaa) namumula ako alam ko ang init ng pisngi ko.Ung smile mo uber!Nakita ko na sa tunay na buhay,beso eber ang nangyari ang lamig ng kamay mo ha.Ang saya-saya ko sobra iakw nga todo smile ka eh.Feeling ko ang pula ko na.

“Musta na?Ang daya mo ha ginulat mo ako di mo man lang sinabi kagabi”Sabi ko na medyo nauutal pa.
“Surprise nga eh,ano ok ba roadtrip ko ha?”Naka smile na sagot mo.
“Oo nga noh,”kaya nga napilitan ako na iguide ka kasi ilang bayan din pinanggalingan mo para makita lang ako.Sobrang effort ka kasi kundi lang nakakahiya kanina pa kita nahalikan eh.Wow ang ganda ng kutis ha matangos ang ilong may alun-alon na buhok at uy matangkad ka skin pwedeng pwde.Hahaha.
Ayon sa wakas nawala rin ng konti ang kaba ko.

“Ang lamig ng palad mo”sabi ko.
“Oo nga eh,ikaw dyan ang pula ng pisngi mo”
“Teka kumain ka na ba ha?
“Hindi pa,”sagot mo.

Niyaya kita sa malapit na canteen malayo restaurant dito eh.
Hindi mo alam palihim kung tumingin ako sayo.hahaha.Ang sarap pala kasabay kitang kakain parang busog na ako agad.Inaalalayan mo pa ako wow ha gentleman ka pala at maalalahanin.Parang di ako makakain eh anu ba to ikaw naman tawa ka ng tawa.Ayun at natapos din ang lunch natin.Sa opis bumalik tayo dun tayo nagkwentuhan at ang saya kasi nakakatuwa ka.Sana wag nang matapos ang oras,pero 5 pm na eh malayo pa uuwian mo kaya kahit tutol kalooban ko ako na pumutol sa masayan oras natin.

“Oh 5 na pala,baka gabihin ka malayo pa uwian mo”Sabi ko sayo.
“Ok lang un,ayaw mo na ba ako kausap”biro mo.
“Hindi ah,masaya ako na kausap ka”sagot ko na kinurot kita.
“Talaga?Ako din eh,masya at nakita din kita sa wakes sana wag na matapos ang oras.Ok sige,ang bilis ng oras no.Next time ulit at salamat sa pag entertain ha,ang lambing mo pala.”Sabi mo na nakatingin talaga straight to my eyes ha.Kinikilig tuloy ako.
“Di naman cge na at baka gabihin ka pa”Pagtataboy ko sayo baka mahalata mo pa ako.
“Oh,paano paalam na muna ha.Ingat ka dito sa work mo ha.Chat tayo maya ha pagdating ko sa bahay”Sabi mo na hinawakan mo palad ko, hindi na malamig ngayon ang init na nang palad mo.
“Ok,ingat sa byahe at salamat sa surprise visit ha”,tumatawang sagot ko.Ayaw mo pa bitiwan kamay ko!Sabay tayong nagkatawanan.



Hayss..Hinatid na lang kita ng tingin,wag ka nag lumingon baka madapa ka pa.Bigla nalungkot ako ang sya kanina pero eto ngayon parang biyerne santo.Pero hindi ko makakalimutan ang araw na ito na may isang tao na naglaan ng oras at panahon sakin.Galing ka inyo at sa trabaho mo pumunta ka dito para sa isang ka “chat” lang-para lang sa isang taong tulad ko.Salamat sayo naramdaman ko na espesyal din pala ako.


Pero sabi nga hindi laging masaya, gaya ngayon magkachat tayo.

“Miss na kita”sabi mo.
BUZZ
Di kasi ako nakasagot agad.
“Bola”
“Hindi ah”
“Ok miss din kita”Kinilig ako ha.
“Talaga miss mo ako?”
“Oo nga bakit di ka naniniwala?”
“Naniniwala”parang malungkot ka.
“Jessa, may ipagtatapat ako sayo”
“Anu un?
“Sinagot na ako ng nililigawan ko nung Dec 2 pa”..oh no!Dec 3 ka nagpunta dito,d ko alam ang isasagot ko bakit ganun parang masakit.Ang daya mo talaga,bakit di mo agad sinabi ?bakit nagpunta ka pa dito?
Hindi ko un maitanung sino ba ako sayo?
“Ganun ba,congrats sayo”sabi ko na nakangiwi parang tutulo luha ko buti na lang di open cam ko.
“Teka ha may gagawin ako na billing maya ulit tayo chat”paalam ko.kasi parang di ko kaya na makipagchat pa sayo ang sakit.Di ko na inantay na sumagot na nag out ako sa chat.
Tumulo luha ko,ang gaga ko naman!Pero bakit nagpunta ka pa bakit ganun!Yan na nga sabi ng kaibigan ko wag maniniwala sa “chat” at ang importante wag mahuhulog.Pero eto ako nasasaktan parang ginamit mo lang yata ako eh.Bakit ipinaramdam mo pa na mahalaga ako sayo.Sabagay sino ba ako para magtanung sayo.Pinalipas ko lang ang ilang araw dahilan ko lang na madami ako ginagawa na kailangan maipasa pero ang totoo umiiwas na ako.

Nag iwan ka ng message”bakit parang iniiwasan mo na ako?anu bang kasalanan ko?im sorry kung d ko agad sinabi sayo ung tungkol sa gf ko.sa maniwala ka at sa hindi mas masaya ako na kasama ka kaysa sa kanya,kaya nga nagpunta pa rin ako dyan kasi gustong-gusto kitang makita.namimiss na kita sana naman mag online ka na ulit magpapaliwanag ako.”

Nag online ako pero hindi ka online ung kapatid mo nakachat ko sabi nya nasa kwarto ka daw palagi,hindi ka daw lumalabas nagtatanung nga kung may alam daw ako na problema mo sabi ko na lang baka pagod ka sa trabaho.Hindi ko alam pero affected ako kasi alam ko may kinalaman ako sa problema mo.Bakit ba kasi nakilala pa kita at bakit ba naman nagpunta ka pa dito ayun umasa naman ako.Huli na eh sayang sana ako na lang gf mo,sabagay sabi mo nga ako ung special girlfriend mo.Ok na un sakin.


February 25,2010 nagkachat ulit tayo.Kumustahan at kwentuhan parang walang nangyari.

“Sorry ha”sabi mo.
“Sorry saan?”
“Nahulog ako sayo sa maling panahon”
“Wala na un kalimutan mo na un,sana maging masaya ka sa kanya”
“Sana pero mas masaya sana kung tayo”
“Bakit mo siya niligawan kundi ka masaya sa kanya?Hindi pwdeng maging tayo were just friends di ba?Infatuation lang siguro naramdaman natin,mas makakabuti kung iukol mo na lang panahon mo sa kanya kaysa makipag chat ka pa sakin”


Ewan pero masaya ako na ganun nararamdaman mo pero naisip ko mali nga siguro kasi ako umasa tapos ikaw ayun may karelasyon na.Sa “chat” madali ka talagang mahuhulog akala mo kasi totoo lahat ng sinasabi kaya aasa ka naman may natutunan ako sa pangyayaring un.Un ang huli nating chat kasi nagpalit ako ng account pansamantala sa ym kasi para maka move-on na sa nangyari.Ang balita ko ngayon nasa Saudi ka na ang daya mo talaga di ka na nagpaalam.Namimiss kita pero hanggang dun na lang yun,hindi kita makakalimutan kahit sa “chat” lang tayo nagkaintindihan, salamat kasi kahit sandali naging masaya ako kahit sa “chat” lang.Sana maging masaya ka...
Back to top Go down
View user profile http://friendsbook.friendhood.net
angeL

avatar

Posts : 5
Points : 9
Join date : 2010-08-20
Age : 32
Location : morong rizal

PostSubject: chatting makes you CRAZY and FOOLED to be IN LOVE...   Thu Sep 16, 2010 3:07 pm

wewww......

a short period of TIME to meet someone on the NET makes your LIFE go CRAZY because it could be much more interested on getting to know someone WHO you didn't saw at all with LOTS of COMFORTABILITIES with each other and so much EAGER to know him/her so such but WHAT HE/SHE COULD GET BACK INTO YOU WAS JUST A WRONG INTERPRETATION OF FEELINGS.. but I hope not all CHATTERS are been cheated on that way...

Theres someone in my LIFE i wouldn't try to forget because it was the most UNFORGETTABLE feelings that I'de ever had in my LIFE ... One thing for sure I know THAT IT ALWAYS BE THE SAME FEELINGS WHAT I HAVE FOR YOU SINCE THE DAY I MET YOU.. IT WON'T NEVER CHANGE I WOULD STILL BE HERE FOR YOU.. Very Happy Very Happy Very Happy
Back to top Go down
View user profile http://angelmae_kuizon29@yahoo.com
 
CHAT LOVE!
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» Win a FREE Umbilical Love newborn shoot
» We Love Our Fans Giveaway *usa only*
» I Love Pet Supermarket Contest
» Charity Chat
» General chit-chat

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
FRIENDSBOOKERS :: LOVE PROBLEMS!-
Jump to: